Sugatan ang isang babaeng MMDA Traffic Enforcer matapos kaladkarin ng isang bus sa EDSA kahapon.
Kinilala ng MMDA ang biktima na si Reslie Vergara at bus driver na si Allan Reodique.
Alas-8 ng umaga nang harangan ni Reodique ang bahagi ng Northbound Lane sa EDSA patungong Timog Avenue dahilan para sitahin ito ni Vergara.
Pero nang kukuhanin na ng traffic enforcer ang lisensya ng tsuper ay biglang humarurot ito paalis.
Tumigil lamang ang bus nang marinig ang sigaw ni Vergara na nagtamo ng sugat sa leeg.
Samantala, nasa kustodiya na ng kamuning police station 10 ang bus driver.