Handa na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong panahon ng tag-ulan.
Ayon kay MMDA spokesperson assistant secretary Celine Pialago, tuloy-tuloy ang kanilang declogging operations sa mga drainage sa kabila ng hinaharap na coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ani Pialago, ang flood control ay bahagi ng mandato ng MMDA, dahilan para magtuloy-tuloy ang declogging operations.
Mayroon na rin aniyang kabuuang 64 na pumping stations kung saan operational sa buong Metro Manila lalo na sa mga flood-prone areas.
Tiniyak din ni Pialago na 24-oras na binabantayan ng kanilang mga tauhan ang mga pumping station upang masigurong mabilis na huhupa ang tubig baha.