Kasado na ang mga plano ng Metro Manila Development Authority (MMDA) para maisayos ang daloy ng trapiko lalo na sa panahon ng Pasko.
Ayon kay MMDA OIC Chairman at General Manager Thomas Orbos, nauna na nilang binuksan ang Mabuhay Lanes at pinaigting pa ang pagtanggal sa mga illegal parking sa Mabuhay Lanes.
Nakausap na rin anya nila ang mga utility companies tulad ng MERALCO, Maynilad, Manila Water at mga telcos na itigil na ang paghuhukay simula November 8 hanggang sa matapos na ang panahon ng Pasko sa Enero.
Nauna na rin anya nilang ipatupad ang pagtanggal sa window ng number coding sa EDSA at sa C5 lanes at pinag-aaralan na rin nilang ipatupad ito sa iba pang mga kalsada.
Bahagi ng pahayag ni MMDA OIC Chairman at General Manager Thomas Orbos
Samantala, kinumpirma ni Orbos na simula sa October 21, tuwing weekend na lamang magsasagawa ng sale ang lahat ng shopping malls.
Bahagi ng pahayag ni MMDA OIC Chairman at General Manager Thomas Orbos
Security
Samantala, nananatili sa full alert ang Metro Manila.
Dahil dito, nagpapatuloy ang pagsasagawa ng checkpoints at mahigpit na pagbabantay sa mga matataong lugar tulad ng malls at mga transport terminals.
Ayon kay Chief Supt. Oscar Albayalde, makakatiyak ang mamamayan sa kanilang seguridad lalo na ngayong nalalapit ang Kapaskuhan.
Bahagi ng pahayag ni NCRPO Director Chief Supt. Oscar Albayalde
By Len Aguirre | Ratsada Balita