Isang linggo bago ang balik-eskwela, inaasahan na ng MMDA ang pagdagsa ng mga sasakyan, lalo sa mga panganuhing kalsada tulad ng EDSA.
Sa tantsa ni MMDA task force Special Operations chief Bong Nebrija, nasa 426, 000 hanggang 430, 000 vehicles per day ang inaasahan sa EDSA simula Agosto a – 22.
Kumpara ito sa 405, 000 na naitalang dami ng mga sasakyan sa EDSA sa pre-pandemic period noong 2019.
Inabisuhan naman ni Nebrija ang mga motorista na dumaan na lamang muna sa mga alternatibong ruta hangga’t maaari upang makaiwas sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko.
Magdedeploy anya ang MMDA ng 581 enforcers sa 146 na public schools sa Metro Manila upang matiyak ang maayos na daloy ng trapiko sa mga nasabing lugar.
Bukod pa ito sa ipinatutupad na No-Contact Apprehension Program para sa implementasyon ng Expanded Number Coding Scheme.
Sa ilalim ng Expanded number coding scheme, nilinaw ng MMDA na hindi na exempted ang mga senior citizen at persons with disabilities.
Tanging exempted ay mga Public Utility Vehicles, Motorsiklo, Transport Network Vehicle Services, Garbage at Fuel trucks, maging ang mga sasakyang mag-de-deliver ng essential goods.