Kasado na ang inilatag na paghahanda ng Metropolitan Development Authority (MMDA) para sa opisyal na pagsisimula ng 30th Southeast Asian (SEA) Games bukas, Nobyembre 30.
Ayon kay MMDA Traffic Operations Chief Bong Nebrija, nagdagdag na sila ng mga karagdagang tauhang itatalaga para umasiste sa mga dadaang convoy ng mga delegado ng SEA Games sa EDSA at ipatutupad na stop and go scheme.
Dagdag pa ni Nebrija, hindi na rin ganoon kadami ang inaasahan nilang darating na mga atleta dahil marami na rin aniya ang nauna nang dumating nitong nakalipas na araw.
Ready to go, aandar lang ‘to siguro kapag talagang may pagbabago it’s minor adjustments na lang, nagdagdag na lang po kami ng mga personnels on the ground para talagang maging human barricade dyan sa yellow lane natin sa kahabaan ng EDSA and then bale sasalubungin na lang po natin yung mga convoy na ‘yan starting tomorrow,” ani Nebrija.
Tiniyak din ni Nebrija na kanila nang naplantsa ang nakitang problema sa pagdating ng mga delegado at atleta noong mga nakaraang araw.
Nag-iimprove na kasi nung una parang asan na yung schedule gusto namin malaman kung anong oras, parang nabibitin pa kami kung anong oras dadating but then now it’s more instituted, structured na talaga mas madali na yung pagbabato ng information. Ganun naman talaga sa lahat ng events ‘pag sa simula nangangapa lahat,” ani Nebrija. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas.