Bukas ang Metropolitan Manila Development Authority sa anumang congressional inquiry sa mga issue hinggil sa implementasyon ng no-contact apprehension policy NCAP.
Ayon sa MMDA, nirerespeto nila ang kapangyarihan ng lahat ng local government units sa paglikha at pagpapatupad ng sariling traffic regulations.
Handa rin anila ang ahensya na makipag-ugnayan sa iba pang sangay ng pamahalaan upang matiyak ang mas episyente at maayos na implementasyon ng NCAP.
Ipinunto ng MMDA na ang panawagan ng Land Transportation Office na suspendihin ng mga LGU ang kani-kanilang NCAP ay tugon sa hirit ng ilang transport group at operator na ipatigil muna ang polisiya.
Una nang inihayag ni LTO Chief at Transportation Assistant Secretary Teofilo Guadiz III na inirereklamo ng maraming public utility vehicles operator ang pagmumulta para sa traffic violations ng kanilang mga drayber.