Pansamantala munang sususpendihin ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang operasyon ng kanilang headquarters sa lungsod ng Makati matapos na magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang apat nitong tauhan.
Ayon din kay MMDA Chairman Danilo Lim, ang tigil operasyon aniya ay napag-desisyunan matapos na i-rekomenda ito ng MMDA COVID-19 committee.
Habang suspendido naman ang operasyon nito, bibigyang daan nito ang isasagawang disinfection kontra sa banta ng nakamamatay na virus.
Kasunod nito, agad namang nagsagawa ng contact tracing ang pamunuan ng mmda sa mga nakasalamuha ng apat na COVID-19 positive.
Siniguro naman ng MMDA na mananatiling naka-duty ang mga field personnel nito para tuloy-tuloy ang pagmamando sa trapiko sa mga pangunahing lansangan.
Sa inilabas na abiso, ang tigil operasyon ng mmda sa headquarters nito ay sa july 9 at 10.