Hihilingin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga mall operators na muling ibahin ang oras ng kanilang operasyon.
Ayon kay MMDA Assistant General Manager Jose Campo, makikipagpulong sila sa mga mall operators partikular na sa mga mall na nasa EDSA.
Ipapanukala ng ahensya na gawing alas onse ng umaga ang bukas ng mga mall.
Aniya, ito ay bilang paghahanda sa papalapit na holiday season at sa inaasang carmageddon.
Samantala, nakadepende naman sa mga operators kung anong oras magsasara ang mga mall.