Hindi papatinag ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagpapatupad ng yellow lane policy sa kabila ng matinding pagbatikos dito ng mga motorista at commuter.
Ayon kay MMDA Traffic Czar Bong Nebrija, ipagpapatuloy nila ang panghuhuli sa mga lalabag sa yellow lane policy.
Aniya, ang kawalan ng disiplina ng mga motorista partikular ng city bus drivers ang naging sanhi ng masikip na daloy ng trapiko sa EDSA.
Plano ng MMDA na maglagay ng fense at ballers sa yellow lane sa kahabaan ng EDSA para manatili doon ang mga city buses.