Hinikayat ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga LGU sa National Capital Region na maglabas ng mga kautusan na magbibigay parusa sa mga hindi otorisadong pagturok ng bakuna kontra COVID-19 bilang booster shot.
Kasunod ito ng mga napaulat na isang fully vaccinated sa lungsod ng Mandaluyong ang naturukan ng booster shot sa Quezon City.
Ayon naman sa National Task Force Against COVID-19, kanila ring pananagutin ang mga nagparehistro para mabakunahan sa iba’t-ibang lugar para makakuha ng higit sa dalawang dose.
Sa huling tala, nasa 12.4-M na ang fully vaccinated sa bansa. Katumbas ito ng 17.5% ng target population na mabakunahan. —sa panulat ni Rex Espiritu