Hinimok ni PNP-Highway Patrol Group Director Chief Supt. Arnold Gunnacao ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na i-deploy pa din ang kanilang traffic constables kahit holiday.
Ayon kay Gunnacao, nagkukulang ang kanilang puwersa kapag holiday at mayroon pa din pagkakataon na bumibigat ang daloy ng trapiko kahit walang pasok, lalo na sa pagitan ng alas-9:00 at alas-10:00 ng umaga.
Sinabi ni Gunnacao na hindi sapat ang pagdedeploy ng MMDA ng kanilang trainees kapag weekend dahil wala naman dalang panicket ang mga ito, dahilan para hindi sila katakutan ng mga motorista.
By Katrina Valle | Jonathan Andal