Ibabalik na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dating ruta ng mga pampublikong transportasyon noong wala pa ang epekto ng COVID-19 pandemic.
Kasabay ito ng pagbaba ng Metro Manila at 38 lugar sa Alert Level 1 dahil sa bumababang kaso ng COVID-19.
Ayon kay MMDA General Manager at Officer in Charge Romando Artes, una na itong tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Steven Pastor at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra.
Nasa 345K sasakyan ang naitatala sa EDSA kada araw na mababa sa 405 thousand noong pre-pandemic level. – sa panulat ni Abigail Malanday