Iminungkahi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na palawigin pa ang deadline ng pamamahagi ng mga lokal na pamahalaan ng ayuda para sa kanilang mga residenteng apektado ng ipinatupad na ECQ sa NCR plus.
Paliwanag ni Abalos, kung maikli lang ang panahon na mailalaan para sa pamamahagi ng naturang pinansyal na tulong, hindi talaga maiiwasan na dadagsa ang tao na kukuha ng kanilang ayuda.
Dito na aniya posibleng malabag ang mga ipinatutupad na health at safety protocols na maaari pa aniyang maging dahilan para kumalat ang COVID-19.
Kaya naman ani Abalos mas maigi kung pag-aaralan ulit ito ng Department of the Interior and Local Government (DILG) batay na rin sa ulat na isusumite sa kanila ng mga LGU kung anu-anong nararanasang problema sa pamamahagi ng ayuda.