Isinara na simula kagabi ang bahagi ng Balintawak interchange para bigyang daan ang Skyway 3 project.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, isinara ang dalawang lane ng EDSA Balintawak Southbound sa mga motorista.
24/7 aniyang sarado ang dalawang lane nito hanggang sa matapos ang paglalagay ng girder na magkokonekta sa Skyway at NLEX.
Ang dalawang lane naman ng A. Bonifacio Northbound ay isasara rin sa mga motorista tuwing 11:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling araw simula kagabi.
Binigyan ng 20 araw ang mga contractor ng Skyway 3 project na tapusin ang Skyway connector.
Pinapayuhan naman ang mga motorista maging mga truck na kalimitang dumadaan sa EDSA Balintawak na gumamit muna ng mga alternatibong ruta (Harbour Link o Mindanao Avenue).
Sinabi ni Garcia nasa mahigit 50 signages ang ipinakalat para magsilbing abiso at gabay ng mga motorista kaugnay ng mga isasarang kalsada.
Naki-usap naman ang MMDA sa publiko ng pasensya at pang unawa sa inaasahang bigat sa daloy na idudulot nito.
Tiyak naman aniyang makikinabang ang lahat oras na matapos ang Skyway connector.