Isinara na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang tatlong pangunahing kalsada sa tatlong siyudad sa Metro Manila para bigyan-daan ang isasagawang miting de avance ng tatlong presidential candidates ngayong araw.
Isa na rito ang kahabaan ng Diokno Boulevard sa lungsod ng Paranaque para sa huling kampanya ng tambalang Ferdinand Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa Diokno na gaganapin sa Boulevard at Aseana Avenue
Pero papayagan naman ang one-lane parking sa Roxas Boulevard, Macapagal Boulevard, Diokno Boulevard, Seaside Drive at Marina Avenue simula kaninang alas otso ng umaga hanggang mamayang 11 ng gabi.
Sarado rin ang Moriones St., mula Mel Lopez Boulevard hanggang N. Zamora St. simula ngayong tanghali para sa miting de avance nina Aksyon Demokratiko standard-bearer Manila Mayor Isko Moreno at running mate nitong si Dr. Willie Ong
Samantala, una nang inanusyo ng Makati City LGU na simula kagabi ay nagpatupad na ng partial closure sa ilang daan sa siyudad hanggang kaninang alas sais ng umaga pata sa miting de avance ni Vice President Leni Robredo at running mate na si Sen. Francis Pangilinan.
Habang sarado na rin para sa mga motorista ang bahagi ng Ayala Avenue, Paseo de Roxas, Makati Avenue gayudin ang V.A. Rufino St. at Salcedo St.
Dahil dito, pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na humanap ng alternatibong daan at planuhin na ang kanilang gagawing pagbiyahe.