Isususmite ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang listahan ng pangalan ng mga jaywalkers na mabibigong magbayad ng penalties at makapagsagawa ng community service.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ito ay upang maisama ang nasabing mga pangalan sa alarm list ng NBI.
Ipinaalala ni Garcia na lahat ng lungsod at munisipalidad sa Metro Manila ay may mga ordinansa ukol sa Anti-Jaywalking.
Ang mahuhuling jaywalker na babalewala sa tiket na inisyu sa laban dito ay maaaring masampahan ng kasong paglabag sa local ordinance at maisusumite pa ang pangalan sa NBI.
Sa ngayon, nasa P500 ang multa sa paglabag sa Anti-Jaywalking.