Kinontra ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pahayag ng mga transport groups na naging matagumpay ang pambansang tigil pasada kahapon.
Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, para sa kanila ay bigo ang iba’t ibang grupo ng mga jeepney drivers at operators na iparalisa ang transportasyon.
Aniya, 8:30 pa lamang ng umaga kahapon ay natugunan na ng pamahalaan ang mga lugar na kinakailangan ang mga pampublikong sasakyan sa pamamagitan ng ipinakalat na mga libreng sakay.
Dagdag ni Pialago, hindi rin aniya ganoon kadami ang mga na-istranded na pasahero batay sa kanilang pagtaya.
Samantala, nanindigan naman ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipagpapatuloy ang implementasyon ng PUV modernization program.
Sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra, isa sa nabanggit na programa ang mga mahigpit na direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte at matagal nang inaasam ang isang modernong klase ng transportasyon sa bansa.