Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na walang kaugnayan ang Dolomite beach sa mabilis na pagbaha sa ilang bahagi ng lungsod ng Maynila.
Iginiit ni MMDA Acting General Manager Baltazar Melgar na ang hindi pa natatapos na tatlong pumping stations ng Department of Public Works and Highways ang rason sa mabagal na paghupa ng baha.
Ayon kay Melgar, sa halip na i-discharge sa Manila Bay ang tubig ay idina-divert ito sa Pasig River sa pamamagitan ng balete pumping station.
Nakikipag-ugnayan na anya ang MMDA sa DPWH sa pag-o-operate ng isang mobile pump upang direktang i-discharge ang tubig sa dagat.