Bumuo na rin ng transition committee ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang paghahanda nito sa pagpasok ng administrasyon ni President-elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Ayon kay MMDA Public Affairs Director Sharon Gentalian, halos kada linggo nagpupulong ang nasabing komite.
Gayunman, wala pa aniyang impormasyon kaugnay sa magiging pagbabago sa liderato nito.
Noong Marso nang italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang abogadong si Romando Artes bilang bagong Chairman ng MMDA, matapos mag-resign si Benjamin “Benhur” Abalos Jr., upang magsilbing Campaign Manager ni Marcos.
Matapos namang manalo sa May 9 elections ni BBM, inanunsyo ng kampo nito na tinanggap ni abalos ang pagiging kalihim ng Department of the Interior and Local Government.