Target magdagdag ng MMDA ng pumping stations bilang bahagi ng kanilang flood control measures.
Ayon kay MMDA Deputy Chairperson, Undersecretary Frisco San Juan Junior, patuloy sila sa pag-upgrade ng mga nasabing pasilidad sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga makinang may kalumaan na.
Pinag-aaralan din nilang magtayo ng karagdagang pumping stations sa Barangay Tatalon, sa bahagi ng Araneta Avenue, sa Quezon City.
Aminado naman si San Juan na ang mga hindi pa natatapos na pumping station projects ang dahilan nang pagbaha sa ilang bahagi ng Metro Manila tuwing malakas ang pag-ulan.
Samantala, magsasagawa rin ang MMDA ng clean up operations sa mga estero upang mapigilan ang pagbaha tuwing umuulan. —sa panulat ni Hannah Oledan