Magde-deploy ang MMDA ng karagdagang traffic enforcers bunsod na rin ng inaasahang mabigat na trapiko sa edsa ngayong linggong ito.
Ayon kay MMDA Chairman Tim Orbos, tutulong ang mga traffic personnel mula sa mga LGU’S sa pagmamando ng daloy ng trapiko sa mga choke points sa EDSA mula Timog Avenue sa Quezon City, hanggang Ayala Avenue sa Makati City.
Nakatakda rin aniya silang magpamahagi ng hand-held radios sa mga enforcer upang masiguro ang mas mabilis na komunikasyon at pagresponde.
Ipinabatid din ni Orbos na kanselado na ang day-off ng mga traffic enforcer mula December 21 hanggang 24.
By: Mheann Tanbio