Magkakasa ng summer jobs ang MMDA para sa mga estudyante sa loob ng isang buwan.
Ipinabatid ni MMDA Spokesperson Celine Pialago na sa ilalim ng SPES o Special Program for the Employment of Students, ang mga estudyante ay kikita ng 537 pesos kada araw o arawang minimum na sahod sa Metro Manila.
Mayroon aniyang available 250 administrative at clerical works para sa high school at college students.
Ayon kay Pialago, ang 60 percent ng sahod ng mga estudyante ay magmumula sa MMDA habang ang natitirang 40 percent ay sasagutin ng Department of Labor and Employment na nagsulong ng SPES.
Ang mga interesadong estudyante ay dapat kumuha ng application forms sa main office ng MMDA sa Makati City at kabilang sa requirements ay school registration form, report cards at photocopy ng birth certificate.