Nakatakdang magsagawa ng walk-through sa mga ospital sa Metro Manila ngayong araw ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ito’y upang matiyak ang kahandaan ng mga pagamutan sa pagresponde sa firecracker related injuries sa pagsalubong sa bagong taon.
Sinabi ni MMDA Undersecretary Frisco San Juan Jr. na nangunguna sa paghahandang ito ng pamahalaan ang Department of Health.
Sa ngayon aniya ay wala pang silang nakukuhang update sa Metro Manila Council kaugnay sa mga itinalagang lugar para sa fireworks display.