Nagpadala ng may 60 tauhan ang Metro Manila Development Authority o MMDA sa Cordillera Administrative Region o CAR.
Ito’y para tumulong sa nagpapatuloy na clearing operations kasunod ng naging pananalasa ng super bagyong Lawin.
Ayon sa MMDA, binubuo ang nasabing team ng mga tauhan mula sa public safety division and road emergency group and rescue battalion.
Bitbit ng mga MMDA personnel ang mga chainsaw, rescue at emergency vehicles para makatulong sa pag-aalis ng mga nakaharang na punong kahoy at debris nang manalasa ang bagyo.
By: Jaymark Dagala