Magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 30-minute “heat stroke break” para sa lahat ng kanilang field personnel simula April 1, 2022.
Ayon sa MMDA, nais nilang masiguro ang kaligtasan at proteksyon ng mga traffic enforcers at street sweepers laban sa heat stroke at cramps o pulikat ngayong summer season.
Pahayag ng ahensya, ipatutupad ang heat-stroke break tuwing 10 am to 10:30 am o 10:30 am to 11am para sa mga 5am to 1pm shift, habang 11am to 11:30am o 11:30am to 12nn naman para sa mga 6am to 2pm shift.
Doon naman sa mga MMDA personnel na naka-duty ng 1pm to 9pm, itinakda ang kanilang heat stroke break ganap na 2:30pm hanggang 3 p.m. O 3pm hanggang 3:30pm, at 3pm to 3:30pm o 3:30pm to 4pm naman ang break para sa mga papasok ng 2pm hanggang 10pm.
Samantalang 12nn to 1pm naman ang break ng mga nakaduty ng 7am to 4pm, habang 2:30pm to 3pm o 3pm to 3:30pm naman para sa mga may pasok ng 11am to 7pm.
Bunsod nito, inamin naman ng ilang MMDA field worker, na talagang naghahanap sila ng masisilungan kapag matindi ang init ng panahon upang maiwasan ang heat stroke.
Kahapon pumalo sa 33.4 degrees celsius ang init ng panahon sa lunsod ng quezon.
Kaya naman payo ng Department of Health (DOH) sa publiko na uminom ng maraming baso ng tubig at magsuot o magdala ng panggalang sa matinding init ng sikat ng araw.