Hinamon ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang mga kontra sa ipatutupad na provincial bus ban sa EDSA na maglatag ng solusyon sa traffic congestion sa Metro Manila.
Ito’y makaraang maghain ng petisyon ang Ako Bicol Partylist sa Supreme Court upang pigilan ang implementasyon ng MMDA na pagbawalan ang mga provincial bus na magsakay at magbaba ng pasahero sa EDSA.
Ayon kay MMDA Traffic Head Bong Nebrija, bilang isang demokratikong bansa ay malaya ang sinuman na kuwestyunin sa pamamagitan ng temporary restraining order ang anumang hakbang ng gobyerno.
Hindi naman anya sila ang nagdesisyon bagkus ay ipatutupad lamang nila ang napagkasunduan ng mga Metro Manila Mayor na tumatayong Metro Manila Council.
Binigyang diin ni Nebrija na mahigit isang taon nilang plinano ang provincial bus ban at maka-ilang beses na rin silang nagpulong ng mga bus operator.