Magkakaloob ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng libreng sakay sa mga commuter na maaapektuhan ng tigil-pasada ng mga transport group ngayong araw.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, nasa 20 sasakyan, kabilang ang anim na bus at 11 commuter vans ang naka-deploy sa ilang bahagi ng Metro Manila.
Ide-deploy din anya ang mga traffic personnel at road emergency group member sa iba’t ibang panig ng Metro Manila upang saklolohan ang mga mananakay, partikular sa mga pangunahing kalsada.
Samantala, bukod sa mga tren ay magsisilbi ring alternatibong transportasyon ang pasig river ferry service na operational simula lunes hanggang Sabado.
Pangungunahan ang transport strike ng pinagkaisang samahan ng mga tsuper at operators nationwide sa gitna ng walang prenong pagtaas ng mga produktong petrolyo.