Nagpakalat na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga sasakyan para sa mga stranded na pasahero matapos suspindihin ang operasyon ng Metro Rail Transport (MRT) pasado 6:00AM.
Ayon sa MMDA, ang mga military trucks na kanilang idineploy ay may biyaheng Guadalupe pa-Quezon Avenue (northbound) at mula Quezon Avenue patungong Ayala (southbound).
Magugunitang naputol ang kable ng kuryente ng MRT-3 sa Guadalupe Station (northbound), dahilan nang ikinasang provisional service mula North Avenue Station hanggang Shaw Boulevard Station.