Nanawagan ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa publiko na mas maging pasensyoso sa mabigat na trapikong aasahan ngayong Kapaskuhan.
Ayon kay MMDA Assistant General Manager for Planning Jojo Garcia, dapat pairalin ang matinding disiplina sa kalsada para maiwasan ang mga aksidente at mga kaso ng road rage.
Una rito ibinabala ng MMDA ang matinding sikip sa daloy ng trapiko simula ngayong weekend.
Inaasahan kasing nasa animnapung libong (60,000) mga sasakyan ang daraan sa EDSA ngayong Christmas weekend.
—-