Muling ipinaalala ng MMDA ang isasagawang convoy dry run bukas, linggo bilang paghahanda sa ASEAN summit sa susunod na buwan.
Ayon kay Emmanuel Miro, head ng operations ng task force MMDA ASEAN dapat iwasan ng mga motorista ang ilang kalsada na bahagi ng dry run mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng umaga.
Ipinabatids ng ASEAN security task force na apektado ng convoy dry run mula Clark International Airport, Pampanga hanggang Metro Manila ang Subic Clark Tarlac Expressway, North Luzon Expressway at EDSA.
Papuntang Manila Hotel apektado ang SLEX, Skyway, Buendia Extension, Diokno boulevard at Roxas boulevard samantalang apektado rin ng convoy dry run ang Mckinley St at 5th to 30th streets papuntang Bonifacio Global City sa Taguig City.
Sa mga papunta ng the Peninsula Manila sa Makati City apektado ang Ayala at Makati Avenue at papunta naman sa PICC sa Pasay City, apektado ang Jalandoni, Arnaiz at Sotto Streets.