Muling nagsagawa ng clearing operations ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Mabuhay Lanes.
Nilinis ng MMDA ang mga street vendors at mga sasakayang iligal na nakaparada ang Carlos Palanca Street na bahagi ng Mabuhay Lane Route 6.
Sinabi ng MMDA na araw araw silang magsasagawa ng clearing operations kahit magpabalik balik pa ang mga vendors.
Ipinabatid ng MMDA na maaaring kunin ng vendors sa impounding area ng ahensya sa Pasig City ang mga nakumpiskang paninda ng mga ito.