Nagsagawa ng inspection kahapon sa manila international container terminal o mict ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Tondo, Maynila.
Ito ay kasunod ng nalalapit na pagsasara sa bahagi ng Roxas Boulevard upang bigyang daan ang pagkukumpuni ng nasirang box culvert ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, nakipagpulong na ang kanilang ahensya sa Department of Transportation o DOTR, DPWH, Philippine Ports Authority at International Container Terminal Services Inc. Upang talakayin ang mga solusyon at humanap ng mga alternatibong ruta para sa mga sasakyang maaapektuhan ng pagsasara sa nasabing kalsada.
Nabatid na tinatayang nasa isanlibong cargo trucks at trailers ang dumadaan kada araw sa Roxas Boulevard Southbound direction na ngayon ay pansamantala munang maantala para sa rehabilitasyon ng nasirang libertad drainage main box culvert sa harap ng Libertad Pumping Station sa Pasay City.—sa panulat ni Angelica Doctolero