Nag-inspeksyon na ang MMDA sa ilang vaccination center sa Metro Manila.
Ito’y sa gitna ng mga kumakalat na larawan at video sa social media ng pagdagsa ng daan-daang katao sa mga vaccination center nang walang physical distancing at kahit curfew.
Kabilang sa binisita ng MMDA sa pangunguna ni chairman Benhur Abalos ang mga vaccination site sa Las Piñas, Ayala Mall sa Muntinlupa at SM Parañaque.
Ayon kay Abalos, naging maayos at mabilis naman ang pila ng mga nagpabakuna sa mga naturang lugar.
Umapela naman ang MMDA sa publiko na iwasang maniwala sa mga fake news at misinformation upang maiwasan ang kalituhan at kaguluhan.—sa panulat ni Drew Nacino