Pinaigting ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang operasyon nito laban sa mga kolorum na habal-habal sa gitna nang pagdami nito sa mga kalsada.
Ayon sa MMDA, walang kaukulang mga dokumento ang mga habal-habal rider kaya wala silang magiging pananagutan sakaling maaksidente.
Nilinaw ni MMDA Task Force Special Operations Deputy Chief Gabriel Gona ang naturang transportation mode ay unregulated kaya’t kanyang pinayuhan ang publiko na huwag itong tangkilikin.
Sakali anyang magkaroon ng insidente ng pagnanakaw o iba pang krimen ay hindi agad matutunton ang mga rider. —sa panulat ni Hannah Oledan