Dalawamput walong tauhan ang i-dineploy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Maguindanao para tulungan ang mga residente na naapektuhan ng landslide at pagbaha dahil sa pananalasa ng Bagyong Paeng.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Romando Artes, ang deployment ay bilang tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na iprayoridad ang paghahatid ng suplay ng maiinom na tubig.
Sinabi pa ng opisyal na nasa 40 units ng portable water purification systems na may kapasidad na mag-filter ng 180 gallons ng tubig kada oras ang dala ng nasabing team.
Samantala, binubuo ang grupo ng mga tauhan mula sa Public Safety Division na kung saan tutulong din sila sa Road Clearing Operations sa naturang lugar.