Ipinaalala ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isasara sa mga motorista ang Eastbound o papuntang Elliptical Road sa Quezon City mula sa Biyernes, Oktubre 15, 2021 hanggang Hunyo 1, 2022 para sa pag-aayos ng MRT-7 proyekto ng Department of Transportation.
Ayon sa MMDA, maaring dumaan sa North Avenue ang mga sasakyang papasok sa Wildlife at Veterans, habang ang mga sasakyan naman na papuntang Elliptical Road ay maaring dumaan sa Quezon Avenue via Agham Road bilang alternatibong ruta.
Samantala, inaasahan ng MMDA na ang pagsasara sa ilang bahagi ng naturang lugar ay magdudulot ng abala sa daloy ng trapiko. —sa panulat ni Airiam Sancho