Nagpaliwanag ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa naranasang mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA nitong nakalipas na mga araw.
Ayon kay MMDA Traffic Czar Bong Nebrija, nagkakaroon ng hiwa-hiwalay na pagbigat ng daloy trapiko dahil sa maraming dahilan.
Ilan dito ay ang nararanasang pagbuhos ng ulan, aksidente at mga pasaway na motorista.
Dagdag pa ni Nebrija, isa pa sa pangunahing dahilan kaya’t may pagbabagal na ang daloy ng trapiko ay dahil sa pagbabalik ng general community quarantine.
Gayunman sinabi ni Nebrija na malaki pa rin ang naging pagbabago sa sitwasyon ng trapiko dahil sa mga bagong proyekto ng gobyerno.