Nagsagawa ng dry run ang MMDA kaugnay sa muling pagpapatupad ng motorcycle lane sa kahabaan ng EDSA at ilan pang pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, isinagawa ang dry run para paalalahanan ang mga rider na gamitin ang motorcycle lane at mas mahigpit na sumunod dito.
Sinabi ni Pialago na simula sa Lunes, November 20 ay kasado na ang panghuhuli sa mga lumalabag sa motorcycle lane at papatawan sila ng limang daang pisong multa.
Ayon kay Pialago, pinaiiral pa rin nila ang no contact policy at maaaring tiketan ang mga motorista kahit sa pamamagitan lamang ng CCTV.
Hindi lamang aniya paggamit ng motorcycle lane ang posibleng maging paglabag ng riders kundi maging ang kawalan ng helmet at hindi tama ang suot kapag nagmamaneho.