Nakahanda na ang buong pwersa ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa inaasahang Carmaggedon o napakatinding bigat sa daloy ng trapiko simula ngayong araw.
Ayon sa tala ng MMDA, inaasahang nasa humigit kumulang 400,000 sasakyan ang babaybay sa EDSA o 13 porsyentong mas mataas kumpara sa kaparehong araw na naitala noong nakaraang taon.
Kaugnay nito, nag-deploy na ng karagdagang mga traffic enforcers sa kahabaan ng EDSA at mga bus terminal partikular sa Pasay at Cubao para magmando ng trapiko.
Kasabay nanawagan ang MMDA sa mga motorista na iwasan muna ang EDSA ngayong weekend at maghanap na lang muna ng alternatibong ruta.
—-