Nakahanda ang pamunuan ng MMDA sakaling dumagsa ang mga motorista sa kahabaan ng EDSA dahil sa pagsisimula ng paninigil ng Skyway stage 3.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos na kanya nang iniutos na full-deployment ang mga tauhan ng mmda para masigurong maayos ang daloy ng trapiko sa EDSA maging sa iba pang lansangan sa kalakhang Maynila.
Dagdag pa ni Abalos na batay sa kanilang pagtataya na ang mga sasakyang gumagamit ng skyway connectors ay tinatayang aabot sa 100,00.
Bago nito, ay binuksan ng mmda ang ilang mga mabuhay lanes o mga alternatibong ruta para makatulong sa mga motorista na makaiwas sa mabigat na trapik.