Nakahanda ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sakaling isailalim na sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila sa susunod na linggo.
Ayon kay Celine Pialago, spokesperson ng MMDA, kabilang sa bagong sistema na ipatutupad sakaling aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpapatupad ng modified number coding.
Kasama anya ito sa napag-usapan ng mga Metro Manila Council kung saan nagkakaisa ang lahat ng alkalde sa Metro Manila na ilagay na sa mas maluwag na quarantine ang Metro Manila.
Sa ilalim ng modified number coding, papayagan pa ring bumiyahe ang mga sasakyang sakop ng coding kung may dalawa o higit pa na nakasakay dito.
Sa pagdami ng mga sasakyan ngayon, it’s because lifted po ang number coding, so, ngayon po hindi na pwede ‘yung driver ka lang, dapat po 2 or more ang on-board sa nasabing pribadong sasakyan. And the mere fact na we are still in GCQ, we are still considered to be in a community quarantine, as long as susunod an gating mga kababayan sa mga protocols, lalo na ‘yung mga sektor na papayagang magbukas under GCQ,” ani Pialago. —sa panayam ng Ratsada Balita