Umaabot na sa 100 hanggang 150 ang bilang ng naitatalang aksidente ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa motorsiklo sa EDSA kada buwan.
Sa panayam sa DWIZ, sinabi ni MMDA Traffic Operations Chief Bong Nebrija na kasama na rito ang isa hanggang dalawa na nasasawi dahil sa aksidente.
Nitong Enero, isang mag-asawa ang nasawi matapos pumasok sa busway ang kanilang sinasakyang motor at mabangga ng bus.
Posible namang tumaas pa ito dahil sa pagdami ng mga bumibiyaheng motorista sa EDSA kasunod ng COVID-19 pandemic. —sa panulat ni Abby Malanday