Nagsagawa ng operasyon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa unang araw ng muling pagpapairal ng truck ban sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Ayon sa MMDA, 24-oras na iiral ang truck ban sa kahabaan ng EDSA mula sa Magallanes hanggang sa North Avenue habang alas-6 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi ang truck ban sa iba pang pangunahing lansangan.
Sinabi ni MMDA EDSA traffic head Bong Nebrija na maging ang mga closed van lamang ay kailangang parahin ng MMDA upang tingnan ang mga dokumento nito at alamin ang loading capacity nito.
Kahit kasi closed van lamang ay hindi dapat lumampas sa 4,500 kilograms ang kanilang loading capacity.