Nakatakdang isagawa ng MMDA ang ikatlong metro-wide earthquake drill sa Hulyo.
Layon nito na mapaigting ang disaster preparedness sa kalakhang Maynila sa gitna ng pinangangambahang ‘The Big One’.
Ayon sa MMDA, target nilang gawin sa loob ng limang araw ang “Metro Manila Shake Drill” o mula July 14 hanggang 18.
Maliban sa Metro Manila, kabilang din sa pagdarausan ng shake drill ang Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna.
By Meann Tanbio