Sinimulan na ng Department of Education ang paglilinis sa mga silid-aralan at iba pang pasilidad sa Metro Manila.
Katuwang dito ang Metro Manila Development Authority (MMDA), bilang paghahanda sa full implementation ng face-to-face classes.
Maliban sa COVID-19 mitigation, nagsagawa rin ang dalawang ahensya ng misting upang maiwasan ang pagkalat ng Dengue.
Tiniyak naman ng MMDA sa mga stakeholders ang kahalagahan ng kalinisan sa kapaligiran at pagkakaroon ng disiplina.