Nakikipagtulungan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa senado sa pagbuo ng panukalang batas na tutulong para maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, iminungkahi raw sa kanila ng isang senador na muling pag-aralan ang kanilang mandato sa paghahawak ng sitwasyon ng trapiko sa bansa.
Dagdag pa nito, maaaring may kahalintulad daw ang kanilang mga panukala sa mga naisumite sa kongreso noong 17th congress.
Matatandaang umani ng batikos mula sa publiko ang m-m-d-a MMDA dahil sa implementasyon ng provincial bus ban sa EDSA.