300 mga bagong traffic enforcer ang kailangan ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, marami kasi sa kanilang mga enforcer ang natangal sa pwesto dahil sa pagiging corrupt at nasangkot sa iba’t-ibang kaso.
Maari aniyang mag apply sa MMDA ang mga indibwal na nakadalawang taon sa kolehiyo at hindi taas sa 35 ang edad.
Dapat ay may height na 5’2 ang mga palikanteng babae at 5’4 naman ang aplikanteng lalaki.