Target ng Metro Manila Development Authority na maglatag ng mga regulasyon sa pagmamaneho ng electric bicycles at electric tricycles sa bansa.
Kabilang dito ang pagpaparehistro sa mga e-bicycles at e-tricycles.
Ayon sa MMDA, plano rin nila na obligahin ang mga driver na kumuha ng lisensya.
Binigyang diin ni MMDA Acting Chairman Romando Artes, na kailangan ng magkaroon ng regulasyon para habang hindi pa nakakasagabal sa traffic.
Nakakagulat anya ang pagtaas ng bilang ng mga e-bike at e-trike sa mga lansangan.