Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kumakalat na impormasyon hinggil sa unified curfew hours sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa MMDA, walang ipinatutupad na curfew hours ang kanilang ahensya dahil may kaniya-kaniyang ordinansa ang Metro Manila mayors at LGUs sa kani-kanilang mga lungsod.
Dahil dito, nagbabala sa publiko ang MMDA na huwag basta maniwala sa mga natatanggap na maling mensahe o impormasyon dahil nagdudulot lamang ito ng kalituhan sa bawat isa.
Iginiit ng MMDA sa publiko na dapat alamin muna ang pinanggalingan ng bawat impormasyon bago ito paniwalaan.
Sakaling may katanungan, maari umanong tumawag sa MMDA Hotline 136 o magpadala ng mensahe sa kanilang official Facebook, Twitter at Instagram account upang hindi mabiktima ng “Fake News.”