Aminado si former Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Tim Orbos na nahihirapan na ang mga commuter sa pagsunod sa ipinatutupad na batas trapiko ng gobyerno sa bansa.
Sa naging panayam ng DWIZ, sinabi ni Orbos na kailangang magkaroon ng pagkakaisa sa pagitan ng LTFRB at MMDA pagdating sa pagda-dagdag ng mga biyahe at ruta upang maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa bansa.
Sinabi ni Orbos na mas lalo pang bibigat ang daloy ng trapiko dahil sa papalapit na eleksiyon sa Mayo a-9 kung saan, marami ang maaapektuhang pasahero.